SANTIK

Tuesday, January 12, 2016

Ang sining pagtatanghal ng Philippine Art Educators’ Association (PAEA) ay buod ng adhikain ng samahan na manatili ang pambansang pagkakakilanlan at kagalingang Pilipino sa gitna ng malawakan at mabilis na pagbabago ng mundo. Ang “Santik” ay isang katutubong salita na nangangahulugang kislap na pinanggagalingan ng liwanag sa gitna ng dilim. Ang “Santik “ay sumasagisag sa mga katutubong kaalaman na pinagyayaman sa pamamagitan ng daloy ng sining, kultura, buhay, at edukasyon ng samahang PAEA. Ang “Santik” ay binubuo ng mga gawang sining ng mga bata mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Ang mga sining ay sumasalamin sa tungkuling mapangalagaan ang mga katutubong kaalaman. Gabay ang malawak na saklaw ng malikhaing pamamaraan nang pagpapahayag at mga kagamitang mula sa pang-araw-araw na buhay o mga bagay na binigyan ng bagong pakahulugan, ang “Santik” ay itatanghal bilang pagkukuwento ng bawat pangarap, karanasan, at malalim na diwa.



Exhibit is on view until February 7, 2016, Pasilyo Vicente Manansala (2F Hallway Gallery) and Pasilyo Guillermo Tolentino (3F Hallway Gallery).

Artist’s reception and Art Buffet: January 23, 2016, Saturday, 10:00 am to 2:00 pm, Bulwagang Nicanor Abelardo (Main Theater Lobby).

Art Buffet: January 30, 2016, Saturday, 10:00 am to 2:00 pm, MKP Hall, 4th floor.

Viewing hours are from Tuesday to Sunday, 10:00 am to 6:00 pm.

For more information, contact the CCP Visual Arts and Museum Division, Production and Exhibition Department at 832-1125 loc. 1504 / 1505, or email ccp.exhibits@gmail.com.

You Might Also Like

0 comments